Featured Post Today
print this page
Latest Post

Type Keyword And Press Search

Showing posts with label Kubota Agricultural Machinery. Show all posts
Showing posts with label Kubota Agricultural Machinery. Show all posts

Combine Harvester Equipments by Kubota Agricultural Machinery

Bakit combine harvester ang tawag sa image below? Because it has a three separate operations or task to do. First is reaping, yung mag gapas ng palay at eto ang main task ng equipment na eto. Second is treashing. Di ba pag mano mano na ginagapas yung palay eh merun isa equipment at doon nilalagay para ang output is maging palay na sya, na ang tawag don is Treser, tama? Hehe. Third is winonwing. Form the word itself, di ba pag ng treser, meron ding natitirang mga dumi dumi at konting dayami. So yun ang pangatlong task nya :)

This is the actual picture of Combine Harvester made by Kubota Agricultural Machinery
Threshing

winnowing

Reaping






According to the owner Ma'am Lorena, one of our loyal customer in our ricemill from San Miguel San Manuel, Tarlac, the cost of the Combine Harvester is P1.67M. Mahal pala, pero malaki ang pakinabang. Para sa owner ng bukid, malaki na ang matitipid nya from the time na mababawi na nya ang pinambili nya dito.

Isa sa mga advantage nito ay konting tao na lang ang kailangan at bigyan ng sweldo. Kung gagamit nito, pwede na ang tatlong tao. Isa sa driver, at dalawa doon sa treser at mag tatahi.. Isa pa kikita talagang ang may ari nito dahil kokontratahin na nya ang mga may mga palayan. And for sure magugustuhan din ng mga may ari ng palayan dahil saglit lang, tapos na sila mag ani. Kumpara naman sa manu-mano na pag gapas, aabutin pa ng syam syam.

Magkano naman daw ang service fee ng ganito? Tinanong ko ang owner it cost 13 pesos daw po bawat isang sakong kaban.

At ano naman kaya disadvantage nito over farmers? Simple lang.. Mawawalan na ng trabaho ang ilan :) Syempre, ano pang silbi nila?

Baka next design ng Kubota at may pang apat na task na. Merun na rin syang dryer..Hehehe.. Ayos!

At mga pre, alam nyo ba na ang equipment na eto ay may SENSOR? OO, meron. Made detect nya kung merung bakal na malapit sa kanya. At kapag na sense nya, titigil eto. Bakit? baka kasi kainin din nya yun.. Hahaha.. Masisira na sya.

At ano naman daw ang tawag dito sa Ilokano? BOKATOT. Bakit BOKATOT? Kasi parang bwaya lang sya, or bwanges or in tagalog, gusto nya kainin nya lahat or solohin.

Tara drivan natin.Hehehe

let's go

Some other pictures.



0 comments
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Cellphoneyeta - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger